February 27, 2023

BULONG NG ISIP (WHISPER IN MIND)

 

Nagtatanong ba ang iyong isip habang ika’y nakatulala?

Kung ano ang sorpresa ng bawat umaga?

Nais mong sumaya ngayon sa kung anong meron ka?

Ngunit sagot ng isip ay karapat dapat ka ba?

 

Nadudurog ba ang iyong puso habang ika'y nakatulala?

sa kahapong pakiwari mo'y tuso’t mapanlamang

Isip mo'y ika'y nagkulang ngunit ang bawat araw ay sadyang magkakaiba lamang

At iyong napagtanto binigay mo’y sapat naman pala, padududa ay dapat walang puwang

 

Nararamdaman mo pa ba ang pagasa habang ika'y nakatulala?

Dahil dilat pa ang mga mata at papalapit na ang bukas

Sa bawat tunog ng pag ikot ng kamay ng orasan, dalangin moy tumigil muna ang oras

Nang sa gayon makapaghanda ng wagas at may magagamit na lakas


Paano ang bukas, ang tanong ng isip sa isat isa

Maari bang balikan ang kahapon

at nang maitama ang mga maling lumipas na

o sadya bang nakatakda ang bawat panahon

 

Nakatanaw sa malayo ngunit walang nakikita

Tila bang bulag na dapat mangapa ngapa

Walang maisip kundi maging tulala

Nararapat kayang mamahinga muna?




 


No comments:

Pages